Sunday, August 15, 2010

Mabuti nang matutong mag-commute bago magka-kotse kaysa magka-kotse tapos matutong mag-commute.
Para sa:
Ito ay para sa mga taong pupunta sa isang lugar na unang beses pa lang mararating o maari din sa mga taong araw-araw na umaalis.

Bakit?
Kapag nagko-commute ka, malalaman mo kung ano ang dapat sakyan at saan dapat bumaba papunta sa destinasyon mo at malalaman mo rin kung ano ang mga lugar na dapat tandaan dahil siguradong mayroong pasahero na baba sa isang lugar na madadaanan mo.

Kapag nag-kotse ka, maaring malawa ka papunta sa destinasyon mo dahil di mo pa alam ang pasikot-sikot at maari ka pang mahuli ng HPG o ng MMDA. At kapag nasiraan ka pa ng sasakyan, malas ka.